Profile picture of user: matchajane

matchajane

4w©

Isa kang kahanga-hanga, Mayroong kang isip na kakaiba, Iyan ang sabi nila, Ngunit ito’y kaalamang hindi ko batid na aking nakuha. Ano bang kahanga-hanga rito?, Hindi naman ako matalino, Ako’y isang mag-aaral na nais lang matuto, At iyon ang nais ko. Tunay ngang magkaiba tayo ng paningin, Isang henyo kung ako’y inyong ituring, Kailanman ay hindi nagbago ang tingin, Matalino, magaling, ang utak ay tila kaya pang pigain, Nagtimpi ngunit bakit ang mga salita ninyo’y ipinagpipilitan pa rin? Piliting kaya ko ngunit hindi naman totoo!, May paninindigan ako sa sarili ko, Alam kong batid ninyo ito, Hindi ko kailangan ng mga salita ninyo, Sabi ninyo, isa akong matalino, Kung gayon, hindi ko kailangan ng mga walang saysay na salita galing sa bibig ng isang mangmang na tao. - MJ

Comments(3)

0/500
Profile picture of user: perfect_affizie

Magkaiba tayo ng mata. At tama ka — ang iyong pag-angkin sa iyong sarili ay mas mahalaga kaysa sa kanilang mga salita. Ito ay tunay. Patuloy na magsulat, MJ. 👌🥰😍 Kinailangan kong gumamit ng tagasalin upang makita ito ngunit natutuwa akong ginawa ko 😘